Tilaluha - SB19

Restrict Content

Tilaluha

Đóng góp: danjustince
[Verse 1: Ken]
Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata
Pa'no nga ba, pa'no nga ba
Pa'no nga ba'ng limutin ka
Kung sa puso ko, ika'y nag-iisa

[Pre-Chorus: Josh, Sejun]
Mali ba na ako'y umaasa
Tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta
Bakit nga ba, bakit nga ba
Bakit nga ba mahal kita
Kung sa puso mo ay mayro'n nang iba

[Chorus: Stell, Sejun]
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka

[Verse 2: Justin, (Sejun), Stell]
Kahit na ula'y tumila na (ahh, ahh, ahh)
Luha sa aking mata'y patuloy pa
Ano nga ba, ano nga ba?
Ano nga ba'ng magagawa
Kung hanggang ngayo'y mahal pa rin kita

[Chorus: Sejun, Stell]
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka

[Bridge: Sejun, All]
Lahat din ay mawawala
Kasabay ng pagtila ng nadarama
Unti-unting lunurin ang aking nadarama, hoh

[Chorus: All]
Unti-unting lunurin ang aking nadarama, ohh
O buhos ng ulan, 'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka, ohh
Vui lòng click chọn một trong các liên kết ở bên dưới để

tải bài bài hát Tilaluha

về máy:

Thêm bài hát Tilaluha vào danh sách Playlist

Bài hát của SB19
Xem tất cả
Video của SB19
Xem tất cả
;