Hanggang Sa Huli (Gameboys The Movie OST) - SB19

Restrict Content

Hanggang Sa Huli (Gameboys The Movie OST)

Đóng góp: danjustince
[Verse 1: Stell, Sejun]
Sa t'wing puso'y nag-iisa
Mayro'ng himig na
Kumakatok sa pinto ng aking alaala
'Di na dapat tumitig pa sa'yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita

[Pre-Chorus 1: Ken]
Ang alaala mo'y tila bago
Sa panaginip ko ay naro'n ka

[Chorus: All]
At kahit pa ang mundo ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa'yo, puso'y 'di magbabago
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa

[Post-Chorus: All, Stell]
Pag-ibig ko'y sa'yo (Pag-ibig ko'y sa'yo)
Sa'yo hanggang sa
Huli

[Verse 2: Justin, (Sejun), Josh]
Siguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na (Haaa)
Pag-ibig ko'y isang hangin na
'Di mo madarama ('Di mo madarama)
'Di na dapat tumitig pa sa'yong mga mata
'Pagkat ikaw pa rin ang nakikita

[Pre-Chorus 2: Ken]
Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawala

[Chorus: All]
At kahit pa ang mundo ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
'Di man ako para sa'yo, puso'y 'di magbabago
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa

[Post-Chorus: All, Stell]
Pag-ibig ko'y sa'yo (Pag-ibig ko'y sa'yo)
Sa'yo hanggang sa
Huli

[Bridge: Justin, Sejun, Stell, All]
Kung pinagtagpo
Tayong dal'wa'y para sa isa't-isa
At kung nasabi ko ang lahat noon ay may magbabago ba?
Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka
At kung ito na ang huli
Nais kong malaman mo na
Ooh-ooh
Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita

[Outro: All, Stell]
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa'yo (Pag-ibig ko'y sa'yo)
Sa'yo hanggang sa
Huli
Vui lòng click chọn một trong các liên kết ở bên dưới để

tải bài bài hát Hanggang Sa Huli (Gameboys The Movie OST)

về máy:

Thêm bài hát Hanggang Sa Huli (Gameboys The Movie OST) vào danh sách Playlist

Bài hát của SB19
Xem tất cả
Video của SB19
Xem tất cả
;